55

Feb 5, 2021 @ 12:10
By

Hontiveros: Kontrolin ang WPS, protektahan ang mga mangingisda

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa pamahalaan na gumawa ng hakbang para makontrol ang sitwasyon sa West Philippine Sea sa gitna ng ginagawang pambu-bully ng China sa mga mangingisdang Pilipino.

Inihalimbawa nito ang nangyari kay Larry Hugo, 42, na hinarang ng Chinese Coast Guard ship sa pagpasok sa fishing ground malapit sa Pag-Asa Island bahagi ng teritoryo ng Pilpinas.

Dahil sa banta ng Chinese coast guard, minabuti ni Hugo na umalis na lang sa lugar ng nawalang nahuling isda na nakaapekto sa kita nito sa araw na iyon.

“Huwag natin hayaang mawalan ng kabuhayan at maghirap ang ating mga mangingisda dahil sa lumalalang pangbabraso ng China. Dapat mga Pilipino ang makinabang sa sariling likas yaman ng Pilipinas,” sabi ni Hontiveros.

“Kung hindi agad na kikilos ang pamahalaan, dadami pa ang gaya ni Mang Larry na mawawalan ng kabuhayan at maghihirap dahil sa pagpaparaya sa Tsina,” dagdag pa nito.

Sa kabilang ng video na ipinakita ng Hugo, pinagdudahan naman ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command claimed that the incident is improbable.

Sinabi naman ng Chinese embassy na “fabricated” ang ebidensiya ni Hugo.

“Wag naman nating balewalain ang dinaranas ng ating mga kababayan, lalo na silang mga nasa gitna ng laot ang ikinabubuhay. We can no longer turn a blind eye. It is so plain, so obvious, that our own waters are under threat,” diin ni Hontiveros.

Ayon pa kay Hontiveros, dapat palakasin pa ng AFP, PCG at ng ibang ahenisya ng gobyerno ang proteksiyon sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS lalo na’t inaprubahan ng China ang isang bagong batas na pumapayag na paputukan ang mga sasakyang pandagat na lalapit sa inaangkit nilang teritoryo.

“Unahin natin ang kapakanan ng ating kababayan. Tandaan natin na tungkulin ng pamahalaan na proteksyunan ang sambayanang Pilipino mula sa lahat ng panganib, mapa COVID-19 man o mapang-abusong dayuhan,” sabi niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?