79

Oct 2, 2017 @ 17:19

Hontiveros kinasuhan ng wiretapping ni Aguirre

Naghain na kanina si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng kasong kriminal sa Pasay City Prosecutor’s Office laban kay Senator Risa Hontiveros kasunod ng pagbunyag nito tungkol sa palitan ng text messages sa pagitan ng kalihim at ni dating Negros Oriental representative Jacinto Paras.

Kinasuhan ni Aguirre si Hontiveros ng tatlong acounts ng paglabag sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Act. Inihain ng kalihim ang reklamo bago pumunta sa Senado kung saan naghain din siya ng ethics complaint laban sa senadora.

Sa inihaing ethics complaint, hiniling ni Aguirre sa Senate ethics committee na i-suspend o i-expel si Hontiveros bilang miyembro ng Senado.

Ang criminal complaint ay nag-ugat sa privilege speech ni Hontiveros noong Setyembre 11 kung saan sinabi nitong nadiskubre niya sa pamamagitan ng photo ng text message tungkol sa plano ng kalihim at ni Paras na maghain ng kaso laban sa kanya.

Sabi ng senador, ang photo ay kuha ng miyembro ng media habang nagsasagwa ng pagdinig ang Senado noong Setyembre sa pagkamatay ng estudyanteng si Kian delos Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?