58

Jan 13, 2021 @ 21:15
By

Hontiveros kay Roque: Taxpayers din ang mga probinsyano!

Kinontra ni Senadora Risa Hontiveros ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Pfizer vaccine na may 90% efficacy rate ay hindi puwedeng gamitin sa programa sa bakuna laban sa COVID-19 sa mga probinsiya.

“Ngayon pa lang, nakikita na natin na yung mga big cities ay may kakayahan makipag-unahan at may mga kontrata na ang iilan para sa mga bakuna. Paano ang mga probinsya na nahihirapan?“ tanong ni Hontiveros.

“Tax-payers din ang mga taga-probinsya. Dapat all-in tayo sa pagsusuporta sa kanila,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Roque wala umanong ultracold storage facility na requirement ng Pfizer, kaya nakareserba lang ang brand na ito sa mega cities tulad ng Metro Manila, Cebu at Davao.

“Yang ganyang rason ay kung hindi trabahong tamad ay gross incompetence,” sabi ni Hontiveros.

“Bakit ipapasa sa publiko ang burden ng kawalan ng pasilidad para sa bakuna? Bakit hindi naisama sa pagpaplano lalo’t alam naman ng gobyerno na kailangan nitong mag-diversify ng vaccines dahil sa limited global supply?” samit pa nito.

Sabi ni Hontiveros, itatanong niya ang naturang isyu sa susunod na pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa vaccination plan sa Biyernes.

“Give up na ba agad? It is worrisome that we are not even trying to consider or find solutions. I am especially worried because of the bad track record of the DOH in delivering vaccines to regions and areas far-flung from the NCR,” ani Hontiveros.

“This really brings into question just how committed we are to delivering the different options to all Filipinos. At dahil pinupush pa ng Palasyo ang “forfeit on first refusal”, parang ginigipit ang pagpipilian ng mga indigent sa probinsya,” saad pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?