213
hontiveros-pimentel
Feb 19, 2018 @ 21:09
By

Hontiveros kay Pimentel: Ipinahamak mo ako kay Aguirre!

Tinuligsa ni Senadora Risa Hontiveros si Senate President Koko Pimentel dahil ipinahamak umano siya, ang kaniyang mga empleyado at ang media kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na maluwag na ipinabigay ni Pimentel ang lahat ng hiningi ni Aguirre na gagamitin nito laban para sa kasong isinampa nito laban sa kaniya.

Ipinabigay ni Pimentel ang hiningi ni Aguirre na CCTV footage sa Senado noong Setyemre 5, 2017, listahan ng media at photographers sa ginanap na pagdinig ukol sa extrajudicial killings na dinaluhan noon ng kalihim at ang personal data sheets, personnel records at litrato ng mga staff ni Hontiveros.

Umalma si Hontiveros dahil hindi nagpasintabi sa kaniya si Pimentel.

Maluwag din iyong ibinigay kahit request lang ang ipinadala ni Aguirre at hindi iyon subpoena buhat sa korte.

“What deeply concerns me is the involvement of the Senate as an institution in this case filed by Aguirre against me in his personal capacity and the willingness of the Office of the Senate President to abet a witchhunt not just against me, bu against may 23-year old consultant,” ani Hontiveros.

Kinasuhan ni Aguirre si Hontiveros ng paglabag sa Anti-Wiretapping Law dahil kinunan ng litrato ang kaniyang cellular phone habang dumadalo siya sa pagdinig ng Senado sa nasabing petsa.

Sa bukod na privilege speech noong nakaraang taon, ipinakita ni Hontiveros ang litrato ni Aguirre na hawak ang cellular phone.

Pinalakihan ang nakasulat sa cellphone at nakita na nakasulat ang mensahe ni Aguirre sa isang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption na madaliin ang kasong kidnapping laban sa senadora.

Ikinatwiran naman ni Pimentel na public records ang mga hiningi ni Aguirre.

Hindi rin daw siya nagbigay ng personal data ng mga empleyado ni Aguirre.

Sa katunayan, ang ipinabigay umano niya ay sertipikasyon noong Enero na hindi empleyado sa Senado ang isang hinahanap ni Aguirre.

Pero nitong Pebrero, naging empleyada na iyon ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?