280

Sep 20, 2018 @ 16:56
By

Hontiveros kay Duterte: Ikaw ang destabilizer!

‘Humarap ka sa salamin para makita mo ang tunay na destabilizer-in-chief!’

Mensahe ito ni Senadora Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilang ulit nag-akusa na ginugulo ng mga dilawan, makakomunista at oposisyon ang kaniyang administrasyon.

Ayon kay Hontiveros, hindi silang mga nasa political opposition ang bumubulabog sa bansa kundi ang mismong mga polisiya ng pangulo na katulad umano ng mga ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand marcos.

Tinukoy nito na tulad noong Marcos regime, marami ngayong extrajudicial killing, umiral ang martial law, maraming paglabag sa karapatang pantao, palpak ang pangangasiwa ng ekonomiya at ginigipit ang oposisyon.

“The President is desperately linking the opposition to a so-called destabilization plot not admitting that he is actually the country’s ‘destabilizer-in-chief,’” ayon kay Hontiveros.

“If President Duterte is looking for destabilizers, he has only to look into a mirror,” dagdag ng senadora.

Sa halip na pagdiskitahan ang oposisyon, ang ekonomiya umano ang dapat atupagin ng pangulo.

“President Duterte should stop obsessing about destabilization conspiracies and start working to stabilize the economy through sound economic policies,” giit ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?