629

Nov 17, 2021 @ 15:42
By

Hontiveros kapag nanalong senador si Duterte: Good luck sa amin

Kung palarin na manalo bilang senador, dapat umanong baguhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang personal habit at leadership style, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Sabi ng senadora, hindi dapat ipagpalagay ni Duterte na kaya niyang baguhin ang function ng Senado bilang fiscalizer at isa sa tatlong co-equal branch ng gobyerno.

“Hindi mai-stamp kahit ng isang Senate President ang kanilang awtoritaryanismo sa Senado,” reaksiyon ni Hontiveros sa panayam sa CNN Philippines, sa posibilidad na pamunuan ni Duterte ang Senado.

“Senate session begins at 3 p.m. May mga personal habits diyan na kung saka-sakali, kailangang magbago. At tsaka, hindi kasya ang isang kama at kulambo sa Senate floor,” sabi ni Hontiveros.

Nang maupo sa Malacañang noong 2016, inamin ni Duterte sa media na gusto nitong simulan ang trabaho bilang Pangulo bandang ala-una ng hapon.

“But as I said to the others, good luck sa kanila, I will see him in the field. Pero lalo na good luck sa amin,” saad pa ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?