162
ABANTE-TNT-hontiveros-picture
By

Hontiveros: Hindi pwede ang warrantless arrest sa ICC investigators

Sharing is caring!

Binutata ni Senadora Risa Hontiveros ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto nito ang mga imbestigador ng International Criminal Court na tutungo rito sa bansa para mag-imbestiga sa patayan sa drug war.

Mariing sinabi ni Hontiveros na hindi pwedeng ipaaresto ng pangulo ang sinumang imbestigador o prosekyutor ng ICC dahil wala naman silang ginagawang krimen sa bansa.

Kahit din pinakamataas na opisyal ng Pilipinas si Duterte, idiniin ni Hontiveros na wala pa rin itong kapangyarihan na mag-utos ng warrantless arrest.

Noong panahon lang aniya ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos umubra ang pag –aresto kahit walang utos buhat sa korte.

“President Duterte cannot order anyone arrested. Our Constitution reserves that power for our judges. The President has no power to issue “Executive warrants.” They ceased to exist when we toppled the Marcos dictatorship,” giit ni Hontiveros.

“President Duterte should stop throwing due process into disarray and acting like a Marcos copycat,” dagdag nito.

Inaasahang tutungo rito ang mga imbestigador ng ICC dahil may preliminary examination para sa reklamong crimes against humanity laban sa pangulo.

Binantaan ng pangulo si ICC prosecutor Fatou Bensouda na ipaaresto kapag tumuntong sa Pilipinas.

“Arrest International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda? Why, is she accused and guilty of high crimes? Is she involved in the systemic and large-scale killing of people?” tanong ni Hontiveros.

“Did she made numerous public statements in favor of extrajudicial killings? Did she influence and command state security forces to inflict unjust and extreme violence against the public? Did she shield extrajudicial killers from calls of justice and accountability?” dagdag nitong hirit.

Ipinaalala ni Hontiveros na ang pangulo ang may kinakaharap na kaso at hindi ang ICC official.

“It would be good for President Duterte to stop making outrageous statements in an attempt to deflect the serious charges lodged against him and discredit the ICC. He is only making himself look more and more guilty in the eyes of the public. If the President thinks he is innocent of the accusations, then there is nothing to fear,” ayon kay Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?