652
ABANTE risa hontiveros senado senators rappler
Dec 11, 2018 @ 17:32
By

Hontiveros: Hindi lang si Duterte ang nakapagpabalik sa Balangiga Bells

Hindi puwedeng angkinin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon nito ang kredito sa pagbabalik sa bansa ng Balangiga Bells.

Sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na marami nang naunang nagtulong-tulong para kalampagin ang Estados Unidos para isauli ang mga kampana.

Tinukoy ang mga dating pangulo, dating mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), mga tagasulat ng kasaysayan, mga non-government at Filipino-American organization.

“It would be wrong and insentive for the Duterte administration to claim sole credit for the return of the bells and insist that this was the result of its so-called independent foreign policy,” giit ni Hontiveros.

“It was the people’s strong sense of history and justice that led to the return of the bells not President Rodrigo Duterte’s defeatist foreign policy which has only managed to surrender our sovereignty and territory in the West Philippine Sea,” ayon pa sa senadora.

Samantala, sinabi nito na magsisilbing paalala ang mga kampana ukol sa katapangan at kagitingan ng mga bayaning nagtanggol sa bansa laban sa mga mananakop.

Kung tumunog noon ang mga kampana dahil sa paglaban sa mga dayuhan, inaasahan umano itong tutunog muli para labanan ang mga patayan at pag-abuso sa karapatang pantao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?