41

Oct 3, 2017 @ 10:59

Hontiveros hina-harass ni Aguirre – LP

Itinuturing ng opposition senators na political harassment at intimidation ang paghahain ng mga kaso laban kay Senador Risa Hontiveros ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Kaugnay ito ng kasong paglabag sa anti-wiretapping law na inihain ni Aguirre sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa pagsisiwalat ni Hontiveros ng text messages ng kalihim sa isang Cong. Jing Paras hinggil sa planong pagkaso sa kanya.

Ayon sa Liberal Party senators, malinaw na bahagi ito ng patuloy na pagtatangka ng administrasyon at mga kaalyado nito na patahimikin ang oposisyon.

Karugtong anila ito ng panghaharas kina Senador Leila de Lima na sinampahan ng mga kasong may kinalaman sa droga at Senador Antonio Trillanes IV na pinagharap naman ng ethics complaints sa senado.

“Democracy, our democracy, requires and protects a variety of voices. It requires and protects checks and balances, which the opposition provides and which the state has been trying to suppress,” pahayag ng LP.

Iginiit pa ng partido na ang naisapublikong text conversation ni Aguirre ay patunay lamang na matagal nang pinaplano ang kaso laban kay Hontiveros.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?