35

Mar 4, 2021 @ 12:33
By

Hontiveros: Harry Roque insensitive!

Kinastigo ni Senadora Risa Hontiveros si Presidential Spokesperson Harry Roque sa pahayag nitong ‘isang taon nang nagbabakasyon ang mga Pinoy’ dahil sa COVID-19 pandemic.

“As someone who speaks for the President, the Filipino people expect no less than professionalism and integrity from Secretary Harry Roque. I hope he will stop making his theme song, ‘Insensitive’,” pahayag ni Hontiveros.

Ayon pa sa senador, hindi umano ito usapin ng mas kakaunting araw para sa bakasyon dahil ang totoong isyu ay marami ang mawawalan ng dagdag-kita ng mga manggagawa dahil sa adjusted holidays.

“Maling-maling sabihin na ‘nakabakasyon nang isang taon’ ang mga Pilipino dahil nag-quarantine. Marami ang nawalan ng trabaho, napilitang magsara ng negosyo, mga nagkasakit at namatay dahil sa COVID-19,” ani Hontiveros.

“Yan ang pinakanakakapagod at masakit na ‘bakasyon’ sa tanang buhay natin,” saad pa nito.

Nauna nang nilinaw ni Roque ang kanyang pahayag tungko sa isang taon na nagbabakasyon ang mga Pinoy dahil sa pandemya.

Sabi ni Roque, kailangang kumita at magtrabaho ang mga Pilipino para makabangon sa epekto ng COVID-19.

Paliwanag pa nito, nais ng economic team na makahabol ang ekonomiya kaya iminungkahing may pasok sa November 2, bisperas ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?