54

Nov 2, 2021 @ 18:07
By

Hontiveros duda sa kontrata ng F2 Logistics

Pinagdudahan ni Senadora Risa Hontiveros ang paggawad ng Commission on Elections (Comelec) ng P535.99 milyong kontrata sa F2 Logistics na pag-aari ng Davao businessman na si Dennis Uy para sa distribusyon ng balita, vote-counting machine at iba pang election paraphernalia para sa 2022 elections.

Ayon kay Hontiveros, dapat busisiin ang naturang kontrata lalo na’t si Uy ay kilalang kaalyado at donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo ang huli sa pagka-pangulo noong 2016.

“At the very least, this award deserves closer scrutiny,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

“It should be noted that ever since he donated to the President’s campaign, Dennis Uy has seen his business empire expand considerably in the last 6 years,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng liderato ng Duterte, sinabi ni Hontiveros na nakakuha si Uy na dalawang ‘crown jewel’: ang ikatlong telco franchise at Malampaya.

“Isn’t it conflict of interest for a Dennis Uy company to handle the logistics for the crucial 2022 elections? How do we assure different sectors that the contract will not result in possible undue influence vis a vis the conduct of the vote?” tanong ni Hontiveros.

“How do we protect our electoral process from possible foreign influence, given Dennis Uy’s established links with China?” dagdag pa nito.

“There should always be watchdogs in place to ensure that nothing underhanded happens. The people have to stay vigilant,” ayon pa kay Hontiveros.

Noong Oktubre 29, nilagdaan na ni Comelec chairman Sheriff Abbas at F2 Logistics President Efren Uy kontrata.

Sa ilalim ng 31-pahinang kasunduan, ang F2 Logistics ang in-charge sa pagbiyahe ng mga equipment na may kinalaman sa automated election system tulad ng vote-counting machines, transmission equipment, at iba pang devicies.

Ang kumpanya din ang magde-deliver din ng official ballots, ballot boxes, voters’ lists, at iba pang mga suplay sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?