59

Nov 23, 2021 @ 12:10
By

Hontiveros ‘di sinanto ng fake delivery order

Plano ni Senadora Risa Hontiveros na sampahan ng kaso ang ilang indibidwal na nasa likod ng pag-order ng P18,000 halaga ng pagkain gamit ang kanyang pangalan at address ng kanyang tanggapan.

“We are monitoring to study possible legal action. Hindi para sa amin pero para sa mga local businesses at mga riders,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Sa kanyang Facebook page, ipinakita ng senadora ang screenshot ng invoice of orderer ng sikat na lechon restaurant kung nag-order ng isang large size na lechon na nagkakahalaga ng P18,000.

“PROTECT LOCAL BUSINESSES! May BAGONG MODUS ang mga gustong manira sa atin. Magpapanggap na ako at mag-oorder ng nakapangalan sa akin at sa address ng opisina ko,” sabi ni Hontiveros.

“Kawawa ang mga negosyante, mga empleyado, at mga delivery riders na inaagrabrayado,” dagdag nito.

Ang scam ay katulad ng nangyari sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo noong Lunes, kung saan binaha sila ng mga order na nagkakahalaga ng P100,000 halaga ng grocery item na hindi naman nila inorder.

Sabi ni Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, kandidato sa pagka-pangulo, ang order na idinaan sa pamamagitan ng online grocery apply at dinala sa headquarter ng bise presidente sa New Manila, Quezon City, sa pamamagitan ng cash-on-delivery o COD scheme. (Dindo Matining)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?