10

Jul 28, 2020 @ 11:27
By

Hontiveros: Death penalty ‘di solusyon sa COVID-19 pandemic

Dismayado si Senadora Risa Hontiveros dahil sa gitna aniya ng napakalaking health crisis ay naisipan pa talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang death penalty.

“Prayoridad dapat natin ngayon ang ekonomiya, tulong sa mga nawalan ng trabaho, at pagpapalakas ng ating health programs laban sa COVID-19,” pahayag ni Hontiveros sa isang statement.

Binigyang-diin ng senadora na dapat ituon ng gobyerno ang kanilang pokus sa pinakamalaking krisis at hindi umano solusyon ang death penalty para mapagtagumpayan ang giyera laban sa pandemyang ito.

“The government should get its head in the game and focus on the biggest crisis we are facing now. Sobrang nagseselos na ang COVID-19 kasi kung saan-saan na napunta ang atensyon ng gobyerno,” ani Hontiveros.

“I can’t believe I need to say this: pero hindi po solusyon sa pandemya ang death penalty,” sabi niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?