47

Mar 4, 2020 @ 16:23
By

Hontiveros: Chinese Embassy tameme sa perwisyo ng POGO!

Sa kabila ng mga isyu ng labor violation, human trafficking, at tax evasion ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), patuloy ang pananahimik ng Chinese Embassy sa bansa.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, humiling siya ng impormasyon sa Embahada kaugnay sa mga nasagip na Chinese prostitute tatlong linggo na ang nakararaan, subalit hindi sumasagot ang mga ito

“Tatlong linggo na. Sumulat ako sa Chinese embassy, sa Chinese ambassador to the Philippines, humihingi ako ng impormasyon tungkol sa mga rescued na trafficked and prostituted Chinese women,” ani Hontiveros.

Kahit ang National Bureau of Investigation (NBI) ay humingi ng tulong sa Chinese Embassy para sa isang grupo ng mga Tsina na na-rescue, subalit hindi rin aniya sila hinarap ng Embahada.

“Sinabi ng NBI na humingi sila ng tulong sa Chinese embassy para sa isang grupo ng mga Tsina na narescue nila, sabi ng NBI hindi nila alam kung busy sila or kung bakit, basta walang sagot,” ani Hontiveros.

Hindi rin umano maintindihan ng senador kung bakit hindi tinutulungan ng Embahada ang kanilang mga kababayan na naging biktima ng human trafficking.

“Akin lang, kahit pa illegal sa bansa nila ang sugal, ang POGO, hindi sila unaware na may sugal, na may POGO na rin dito sa Pilipinas, at hindi rin sila unaware – at sinabi ko ito kay Ambassador – sa mga problema na dala ng POGO na dinidinig na namin ngayon,” wika ng senador.

“Kaya hindi ko talaga maintindihan bakit hindi sila sumasagot at bakit hindi sila tumutulong sa sarili nilang mga kababayan na babae, ‘di ba? It’s not understandable, and hindi rin acceptable sa usapin ng pag-alaga sa kapwa tao at sa kababayan nila,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?