32

Sep 16, 2020 @ 11:01
By

Hontiveros: China-made PPE overpriced nang P1B!

“Overpriced na nga, ‘di pa pinagawa sa Pilipinas.”

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng pagkuwestiyon nito sa limang milyong overpriced na China-made personal protective equipment (PPE) sets na binili ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) mula Abril hanggang Mayo ngayong taong ito.

“Out of the 11 contracts of the PPE sets, seven were with China-based companies. Bakit inuna ang mga dayuhang kontraktor bago ang mga Pilipinong kumpanya?” tanong ni Hontiveros.

Ayon sa senadora, sa 11 procurement na ito, lumalabas na presyo ng PPEE ay overpriced ng P200 kada unit o kabuuhang P1 bilyon.

“To make matters worse, in these 11 procurements we analyzed, it appears that the PPE prices were overpriced by at least P200 per unit or P1 billion in total,” sabi ni Hontiveros.

Nauna na aniyang tinantiya ng Philippine General Hospital na ang halaga ng PPE set ay P1,200 hanggang P1,5000 habang ang PPE sets naman na binili ng PS-DBM ay may presyo mula P1,700 hanggang P2,000.

“Isang bilyon ang nawala sa kaban ng bayan. This is one billion pesos that could have gone to more PPEs, especially during a time when an increasing number of our health workers were dying because of inadequate protection,” ani Hontiveros.

“Crucially, the one billion pesos could have also been allocated to increase the salaries of our health workers,” dagdag pa nito.

Pinagtataka pa ni Hontiveros kung bakit laging prayoridad ng gobyerno ang pagbili ng PPEs.

Sa limang milyong PPE sets, tatlong milyon dito ay binili sa Chinese companies, kanilang ang Xuzhou Const. Machinery Group, Wen Hua Dev’t Industrial Co., Ltd., Chushen Company Ltd., Pacific Field (Hong Kong) Ltd., at Shanghai Puheng Medical Equipment Co. Ltd.

“Sa panahon na naghihingalo ang mga negosyanteng Pilipino, ang laking insulto naman na ang mga foreign companies pa ang nabigyan ng trabaho kesa sa kanila,” anang senador.

“Alam din natin na mas matindi ang quality assurance and control ng mga Philippine-made products, kaya nakakapagtataka kung bakit foreign-made ang inuna,” dagdag pa nito.

Mula aniya sa listahan ng DBM, ang pinakamurang PPE sets sa presyong P1,700 kada set ay mula sa Hafid N’ Erasmus Corporation, isang Philippine-based company, subalit 30,000 units lang ang binili dito.

Samantala, maraming PPE sets ang binili mula sa mga dayuhang kumpanya. Kabilang dito ang 1 million sets na P1,898 per unit, at dagdag 250,000 sets sa P2,000 per unit sa Xuzhou; 588,000 sets sa presyong P1,979.56 per unit mula sa Chushen; 200,000 sets para sa presyong P1923 per unit mula sa Shanghai Puheng; 42,000 sets sa presyong P1,980.50 per unit, at dagdag na 800,000 sets halagang P1,923 per unit mula sa Wen Hua; at 28,000 sets sa presyong P1,900 per unit mula sa Pacific Field.

“DBM should explain these suspicious transactions. The Department of Health should also have exercised its mandate to inspect these procurements, especially since this is a vital aspect of our overall COVID-19 response,” ayon kay Hontiveros.

“Our government agencies should only answer one simple question: Bakit binigyan ng prayoridad ang Tsina bago ang Pilipinas? If they have a good answer to that, and I doubt they do, only then can they be absolved of this,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?