80

Oct 24, 2020 @ 17:29
By

Hontiveros bumanat kay Parlade: Hindi dapat tinatakot kababaihan!

Para kay Senadora Risa Hontiveros, ungentlemanly at kahihiyan sa Philippine Military Academy (PMA) ang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. patungkol kina Liza Soberano, Catriona Gray at Angel Locsin.

Magugunitang sa statement ni Parlade na ipinost sa Facebook page ng NTF-ELCAC, Oktubre 21, binalaan niya si Soberano pati na rin si Gray sa kaugnayan sa mga komunistang grupo.

“Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL,” wika niya.

“The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” dagdag niya.

Sa pahayag ni Hontiveros nitong Sabado, sinabi niyang hindi dapat tinatakot ang mga kababaihan na nagsasalita lamang para sa kanilang kapakanan.

“Hindi dapat tinatakot ang mga kababaihan na nagsasalita para sa kanilang kapakanan, dapat pa nga tayong suportahan, ang kanyang statement ay kahihiyan sa kanyang ranggo bilang heneral at kahihiyan sa PMA,” anang senadora.

“Tigilan nila ang pag-akusa nang walang katibayan. Sa ating mga kabaro ‘wag kayong matatakot dipensahan ang inyong mga sarili, sa mga lalaki nananawagan ako na respetuhin ang karapatan bilang babae at tumindig sila sa tabi natin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?