71

Sep 29, 2020 @ 14:13
By

Hontiveros binutata si Defensor: May ebidensiya ako sa overpriced PPE!

Binuweltahan ni Senador Risa Hontiveros si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa paglabas ng ebidensiya sa diumano’y overpriced na pagbili ng gobyernong Duterte sa personal protective equipment (PPE) sets.

“You want evidence? Here are 11 pieces. DBM should plainly explain these contracts. Huwag nilang linlangin ang taumbayan gamit ang pagpapa-ikot ng maling impormasyon,” patutsada ni Hontiveros kay Defensor.

Nauna nang ibinunyag ni Hontiveros na mahigit P1 bilyon ang nawala sa pondo ng gobyerno sa ginawang pagbili ng Department of Budget Management (DBM) ng overpriced na PPEs na karmaihan ay sa Chinese firm.

“Representative Mike Defensor also came out to defend DBM, claiming that what the agency procured was cheaper than that procured by the previous administration,” sabi ni Hontiveros.

Matatandaan na sinabi ni Defensor na walang basehan ang alegasyon ni Hontiveros at ginagamit lang aniyang ‘smokescreen’ para pagtakpan ang ilang aksiyong ginawa ng dating administrasyon sa ilalim ng president ni Benigno Aquino III.

Subalit giit ni Hontiveros, maari namang paimbestigahan o maghain ng kaso si Defensor kung nagkaroon ng pagbili ng overpriced na suplay sa nagdaang administrasyon.

“May nakita kaming mali, kaya kinukwestiyon,” pahayag ni Hontiveros.

Nagpadala din ang senadora sa media ng kopya ng 11 kontrata na pinasok ng DBM mula Abril hanggang Mayo.

Sa naturang table, nakadetalye ang pangalan ng manufacturing company, ang presyo ng PPE set, ang bilang ng unit na nabili at ang total money na nagastos ng ahensiya.

Bagama’t lumagdan aniya ang DBM na apat na kontra sa mga lokal na kumpanya, kabilang ang Hafid N’ Erasmus na may pinakamurang PPE sa presyong P1,7000, sinabi ni Hontiveros na lumagda din ang DBM na marami pang kontrata sa mga Chinese company na mas mataas ang presyo.

“Huwag din sabihin ng DBM na walang kakayanan nung umpisa ng pandemya ang lokal na mga kumpanya. As early as February 6, binalita na na ang Bataan-based firm called Medtex ay kayang gumawa ng 2 million face masks monthly,” sabi ni Hontiveros.

“At meron din silang sister company under the Medtec Group of Companies na nagproproduce ng PPEs. Bakit hindi sa mga katulad nila nag-negotiate ang DBM? Bakit inuna ang foreign companies?”dagdag pa nito.

Nauna nang pinabulaan ni Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, head ng procurement service ng DBM (PS-DBM), ang alegasyon ni Hontiveros.

Samantala, sinabi ni Hontiveros na naglabas ang DOH ng Department Circular No. 2020-0157 at 2020-0144 na nagsasaad ng price freeze sa supply na kailangan ng gobyerno sa COVID-19 response mula March 23 haggang Abril 13.

Ang nasabing price freeze ay nangangahulugan na walong component ng nabiling PPE set ay nagkakahalaga na maximum total na P945.

“Of the 11 contracts, three of these are in the same time period as DOH’s price freeze. Almost P1,000 lang dapat ang cost ng isang PPE set kung sa local companies binili. But no, DBM opted to transact with Chinese firms,”ani Hontiveros .

“Kaya kung tutuusin, ang P1 billion overpricing is highly conservative. Mukhang mas malaki at mas malalim pa ang pangungupit,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?