bam-aquino
By

Honoraria ng mga guro, huwag buwisan – Bam

Sharing is caring!

Nanawagan si Senador Bam Aquino sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na huwag nang buwisan ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa May 14.

Ayon sa senador, noong gawin ng ika-16 na Konggreso ang Election Service Reform Act (ESRA) o Republic Act 10756, hindi naging intensyon na buwisan ang maituturing na maliit lang na pabuya sa mga nagsisilbi kapag eleksyon.

“Pataas na nga ng pataas ang presyo ng bilihin dahil sa tax reform, kakaltasan pa muli ang honoraria ng mga guro. Bigyan naman natin sila na kakaunting ginhawa sa dami ng buwis,” sabi ni Aquino

Sa ilalim ng batas, tatanggap ngayon ang chairman ng Board of Election Inspectors (BEI) ng P6,000 mula sa dating P3,000. Ang BEI members ay tatanggap ng P5,000 mula sa dating P3,000.

Sa kabilang banda, mula P3,000, ang DepEd supervisor/official ay babayaran ng P4,000 habang ang support staff ay tatanggap ng P2,000 mula P1,500.

Ang mga guro at iba pang tao na magsisilbi sa halalan ay bibigyan din ng travel allowance na P1,000 bawat isa.

Lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan na miyembro ng electoral boards, DepEd supervisor/official at support staff ay bibigyan ng limang araw na service credit.

Itinataas din ng ESRA ang death benefits mula P200,000 patungong P500,000 at ang medical assistance sa halaga na sasapat hanggang gumaling mula sa pinsalang natamo habang ginagampanan ang tungkulin sa halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?