87

By

Honeymoon nina Anne, Erwan puno ng kahayupan

Naikuwento ni Anne Curtis sa kanyang guesting sa “Gandang Gabi Vice” noong Linggo, Dec. 9 na marami silang nakita at narinig na mga hayop ng asawa na si Erwan Heussaff nang mag-honeymoon sila sa Africa nang isang buwan.

“Madaming mga hayop! I’ve never been so afraid. As in kunwari natutulog ka, naririnig mo talaga,” kuwento ng “It’s Showtime” host na kinumpara pa ang pagiging malapit nila noon sa mga hayop sa lapit ng madlang people audience sa kanila ni Vice sa studio.

Gayunpaman ay sobrang nag-enjoy naman ang aktres sa kanyang honeymoon.

Aniya, “After a year ‘yun ng kinasal kami ni Erwan pero I fell in love with him all over again.” How sweet naman!

Ayon kay Anne, iyon ang first time na nagsama silang mag-asawa nang isang buong buwan.

Tinanong naman ni Vice kung araw-araw ang honeymoon nila noon sa Africa.

Bagama’t hindi diretsahang sinagot ni Anne ang tanong ay bakas naman ang kasiyahan sa kanyang mga mata at ngiti.

Natutuwa naman ang mga fan nila na nakuha ni Anne ang saktong pagpapakatotoo at pagbigay ng respeto sa privacy nilang mag-asawa sa kanyang mga sagot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?