181

Oct 24, 2017 @ 17:44

Honeylet Avanceña, official hostess ng mga asawa ng ASEAN leaders

Magiging “official hostess” ng mga social events sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Sinabi kahapon ni Ambassador Marciano Paynor, Director General for Operations ng ASEAN 2017 National Organizing Committee, pangangasiwaan ni Honeylet ang Gala Dinner at Spouses’ Program sa Nobyembre 12 at 13.

May mga state leaders aniya na kasama ang kanilang mga asawa kaya’t si Avanceña ang official hostess ng Pangulo sa panahon ng ASEAN Summit.

“She would be the official hostess, yes. So in all of the so-called social events like the Gala Dinner on the 12th, evening of the 12th and the Spouses’ Program on the 13th, she is the official hostess of the President. There have been confirmations of some leaders who will bring spouses,” ang pahayag ni Ambassador Paynor.

Hindi na bago kay Avanceña ang maging “hostess” sa mga mahalagang aktibidad sa gobyerno dahil nagawa na niya ito noong buwan ng Abril sa ASEAN Summit pati noong bumisita sa bansa si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at kabiyak nito.

Sinabi ni Paynor na may mga hiwalay na aktibidad ang mga asawa ng state leaders sa ASEAN Summit subalit hindi pa maibigay ang detalye dahil inaayos pa ang mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?