85

Feb 13, 2020 @ 11:50
By

Honasan tutulong sa DITO Telecommunity ni Uy

Nangako si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan na tutulong siya sa DITO Telecommunity ni Dennis Uy at ng China Telecom para mapabilis ang pagkuha nito ng permits at mapaaga ang roll-out nito, ayon sa Chelsea Logistics and Infrastructure ni Uy kahapon.

Ang DITO Telecommunity ang nagwagi bilang 3rd major telco player ng bansa na lalaban sa Globe Telecom ng mga Ayala at sa Smart/PLDT ni Manny V. Pangilinan para mapaganda umano ang serbisyo sa internet at telecommunications sa bansa.

Sabi ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp. ni Uy na kabilang din sa DITO Telecommunity kahapon, Pebrero 12, “Secretary Honasan also pledged to assist through efforts of the DICT (Department of Information and Communications Technology) to help secure permits faster to hasten the roll out.”

Sabi ng Chelsea Logistics, pumasok na rin sa kasunduan ng DITO ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) at tiniyak ng mga miyembro nito ang ease of doing business sa DITO o na padadaliin nito ang proseso para sa kompanya para magkaroon ng fiber connectivity sa kani-kanilang mga lugar at magkaroon ng libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar sa iba’t ibang mga bayan.

Ang LMP ay binubuo ng mga alkalde at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?