17

By

Honasan tiyak na bilang DICT secretary – Albano

Sharing is caring!

Ipinahiwatig ni Isabela Rep. Rodito Albano na walang kahirap-hirap na lulusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan bilang bagong pinuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Albano na dating miyembro ng CA, tiyak na ang mabilis na pag-apruba ng confirmation body kay Honasan dahil sa pagiging mambabatas nito.

“It’s a tradition that a member of Congress is being confirmed immediately when appointed to the Executive department,” ani Albano.

Welcome naman sa kongresista ang pagtatalaga sa senador dahil sa aniya’y malawak na karanasan nito, at subok na kakayahan na kailangan sa pagsusulong ng mga patakaran na makatutulong sa mga Pilipino.

Inilarawan pa ni Albano bilang ‘good decision’ ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Honasan na agad namang tinanggap ng senador bagama’t pagkatapos pa ng CA confirmation maaaring umupo.

“Congratulations to Sen. Honasan for accepting the position. I am confident that he will be a big asset to the Duterte administration by championing policies and programs that are beneficial to the Filipino people especially now with the entry of a provisional new major player in the telecommunications industry,” sabi ni Albano.

“Sen. Honasan will be of great value to the Duterte administration and will provide good direction to his new post given his wide experience and sound decision making,” dagdag ng kongresista.

Itinalaga si Honasan sa DICT kasabay nang pagpasok ng ikatlong telecommunications company na babangga sa PLDT at Globe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }