21

Honasan nagpasalamat sa kanyang ina

Sharing is caring!

Matapos tanggapin ni Senador Gringo Honasan ang posisyon upang maging bagong secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Nag-post ito ng pasasalamat para sa kanyang ina, sa kanyang Twitter.

Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto na maaaring ma-appoint si Honasan sa Nobyembre 12 kapag nag-resume ang sesyon sa Kongreso.

Matagal nang usap-usapan ang pag-appoint kay Honasan ngunit kinumpirma lamang ito ni Pangulong Duterte nitong Huwebes.

Matatapos naman sa 2019 ang ikalawang termino ni Honasan sa Senado.

Papalitan niya ang kasakuluyang DICT chief na si Eliseo Rio Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?