154

Apr 24, 2020 @ 13:34
By

Homicide kinaso ng QCPD sa namaril kay Ragos

Sumasailalim na sa inquest si Police Master Sergeant Daniel Florendo sa pagkamatay ni ex-Army Col. Winston Ragos.

“As of now, naano na natin si Police Master Sergeant Florendo for inquest proceedings, online inquest po siya ngayon,” ayon kay Quezon City Police District chief Brig. Gen. Ronnie Montejo nitong Biyernes.

“We based our findings on the evidence at hand… so ‘yun lang po ang ano kung ano ‘yung evidence na nasa atin, ‘yun lang po ang pinagpasyahan natin para sa inquest proceedings,” aniya pa.

Wala pa namang nakahandang kaso para sa apat na trainee ng Highway Patrol Group na kasama ni Florendo sa pinangyarihan ng insidente.

“As of now wala naman na-establish na conspiracy so ang principal lang ang tinututukan natin…” saad pa ni Montejo.

Noong Martes naganap ang pamamaril kay Ragos sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Sa video ay makikita na binaril ng dalawang beses si Ragos matapos itong mang-amba na may bubunutin sa kanyang sling bag, na sabi ng mga pulis ay may laman na baril.

 

https://youtu.be/UkByoBvwh-Q
https://youtu.be/-92hwdZQ-uo
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?