34

By

Homecourt advantage sasamantalahin ng beach volleyball

Sasamantalahin ng beach volleyball national team ang kanilang homecourt advantage upang masungkit ang gintong medalya sa paparating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin mismo sa sarili nating lupa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Matatandaang sumungkit ng bronze ang Philippine women’s beach volley taong 2005 sa SEA Games na ginanap sa Maynila sa pangunguna nina Heidi Ilustre at Diane Pascua.

Ngayon taon ay babandera sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, pati sina sina Dzi Gervacio at Floremel Rodriguez habang sa men’s team naman ay sina Edmar Bonono at Jude Garcia kasama sina Anthony Arbasto at James Butrago.

“With all the support we received, our teams are hoping to get far in this SEA Games,” pahayag ng team manager na si Cha Soriano kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na ginanap sa Amelie Hotel.

Present rin sa forum ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVP) training director na si Peter Cayco kasama ang coaches na sina Paul John Doloiras at Jason Gabeles pati na rin ang kanilang mga therapist na si Faye Acordon at Carl Dimaculangan sa forum na hinahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at PAGCOR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?