25

Jan 5, 2022 @ 16:14
By

Home testing sa COVID iminungkahi ng eksperto

Iminungkahi ng isang medical expert na magpasuri sa mga laboratoryo na gumagawa ng home testing para hindi na kailangang lumabas ang mga indibiduwal na posibleng may COVID-19.

Tugon ito ni Dr. Edsel Salvaña, Infectious Disease Specialist, sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID cases sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Salvaña na mainam naman ang antigen test na gawin na lamang sa bahay subalit kapag may mga sintomas na ay kailangan na ang tulong ng local government units o kaya ay mga laboratoryong maaaring magsuri sa mga bahay.

“If you need testing, there are labs that do home testing and there are some LGUs that do home testing as well,” ani Salvaña.

Makakatulong din aniya ang telemedicine dahil hindi na kailangang maghintay sa mahabang pila at hindi ma-expose sa maraming tao.

Pero kapag hindi makakuha ng test, sinabi ng espesyalista na mag-isolate sa loob ng sampung araw para makasigurong walang mahawaan.

“If you really can’t get a test but you have symptoms, just isolate for ten days para wala na tayong ibang mahawaan. You know, we’ll do our best to really test, but the numbers are really staggering right now eh. Even the US is having huge backlogs among their states because so many people have symptoms,” dagdag ni Salvaña.

Pero sinabi ng espesyalista na hindi dapat kabahan kung bakunado ang isang indibidwal dahil hindi na magiging malala ang kondisyon kapag nahagip ng COVID-19.

“Whether you’re tested or not naman, if you are fully vaccinated, chances are it’s going to go away on its own and you’ll just have to watch out for the warning signs. And, of course, there’s a lot of telemed available and, of course, the DOH hotlines,” wika ni Salvaña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?