412

Dec 23, 2018 @ 10:54
By

‘Home Sweetie Home’ binatikos ng mga fan ng SuJu sa “oldie” joke

Ikinagalit ng mga fan ng K-Pop group na Super Junior ang episode ng ABS-CBN sitcom na ‘Home Sweety Home’ kung saan ay nasa Seoul ang cast at nag-uusap tungkol sa kanilang Seoul bucket list.

Itinanong ng karakter na ginagampanan ni Empoy Marquez kung kasama ba sa seoul bucket list ng mga babaeng cast ang makita ang Super Junior na agad namang sinagot ng mga ito na BTS na ang trendy ngayon at masyado nang out-dated at oldie ang SuJu.

Umani ng napakaraming puna mula sa mga fan ng SuJu ang naturang episode.

Trending sa social media ang #RespectSuperJunior at #ApologizetoSuperJunior na pinalawig ng mga fan upang ipagtanggol ang kanilang idol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?