30

Jul 20, 2021 @ 15:46
By

Home quarantine iwasan muna – DOH

Hindi na inirerekomenda ng Department of Health (DOH) para sa mga COVID patient ang mag-home quarantine, kaugnay ng pagpasok ng Delta variant sa bansa.

Sa pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mainam pa rin ang quarantine sa mismong mga COVID facility.

Sa home quarantine rin daw kasi ay maaari pang kumalat ang virus sa loob ng tahanan.

“We agree that home quarantine is not encouraged at this point. We should do facility quarantine so we can better isolate the patient and we can prevent further infection in the community,” pahayag ni Vergeire.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na hindi pa naman irerepaso ang mga quarantine protocol.

Nauna na ang siyudad ng Maynila sa mga nagbawal sa home quarantine kahit pa sa mga asymptomatic na pasyente dahil sa pagpasok ng Delta variant sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?