35

Jul 22, 2021 @ 10:18
By

Home quarantine bawal na sa QC

Hindi na papayagan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pag-quarantine sa kanilang bahay para sa mga COVID-19 patient.

Sa ilalim ng measure, kailangang dalhin sa mga isolation facility ang mga pasyente, may sintomas man o wala, at doon magpagaling.

Quezon City Health Department ang nakatoka sa pag-isolate ng mga pasyente sa mga quarantine facility ng barangay o LGU.

Saad ni Mayor Joy Belmonte, kinailangang ipagbawal ang home quarantine dahil sa pagpasok ng Delta variant sa Metro Manila.

We deem it necessary to prohibit COVID-19 patients, whether symptomatic or asymptomatic, from undergoing isolation in their homes, to prevent infection among their household members as well as their communities, especially with the dreaded and more infectious Delta variant now in Metro Manila,” pahayag ng alkalde.

Ang mga nagpositibo namang residente kahit kumpleto na ang bakuna ay ilalagay sa HOPE isolation facility ng isang linggo.

Paparusahan din ang sinumang COVID-19 positive na hindi pa ‘recovered’ ngunit nakisalamuha na sa pampublikong lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?