71

Apr 23, 2019 @ 17:02
By ,

Home crowd sasakyan ni Robles, Davao sa ‘G5’

Sasamantalahin ng Davao Occidental Tigers ang home court advantage para sakmalin ang national championship sa MPBL Datu Cup.

Naipwersa ng Tigers ang winner-take-all Game 5 matapos ang 77-66 panalo kontra San Juan Knights sa Game 4 Lunes ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Ibinuhos ni Billy Robles ang 12 sa 22 points niya sa fourth period kasahog ang 18 rebounds para pamunuan ang Tigers.

“The crowd will be a big help and it would be nice to play in Davao, but definitely it is still depends on us. We just need to play and compete to get an opportunity of winning the championship,” sabi ni Davao coach Don Dulay.

Samantala, pinangalanan naman bilang season MVP si Gab Banal ng Bacoor Strikers matapos nitong makakuha ng 29.9 statistical points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?