38

By

Home court babakuran ni Cone, Gilas

Iisa lang ang misyon ni Tim Cone para sa Gilas Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games: Idepensa ang home court, home soil.

Host ang Pilipinas ng biennial games sa Nov. 30-Dec. 11, para kay Cone ay ‘di puwedeng matalo ang Gilas sa ‘showcase sport.’

“This is our home territory, we’re hosting,” ani Cone tapos ihayag ang miyembro ng kanyang 15-man pool. “We want to make sure that our showcase sport wins the gold medal and so we’re gonna go really hard and try to figure out the best way to do this and do this well. That’s the goal.”

Dahil sa kakulangan ng panahon para mag-ensayo at magamay ng iba ang kanyang sistema, puro may mga tahid na sa PBA ang kinuha ni Cone sa pool.

Anim dito ang players niya sa Ginebra – sina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Art dela Cruz, Stanley Pringle, Greg Slaughter at Scottie Thompson. Apat mula San Miguel Beer – June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Ross at Christian Standhardinger. Tatlo sa TNT – Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario, at sina Vic Manuel ng Alaska at Matthew Wright ng Phoenix.

“This is something we don’t want to lose,” giit ni Cone.

Dati na ring humawak ng national team si Cone, ang Centennial Team noong 1998 pero nabigo sa Asian Games, naka-bronze medal lang. Pilipilitin niyang bumawi sa SEAG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?