12

Apr 13, 2021 @ 13:12
By

‘Home Alone’ star Macaulay Culkin magulang na

Si Macaulay Culkin, ang bumida sa mga hit movie noon na “Home Alone” at “Richie Rich,” ay tatay na.

Pinanganak na ng kanyang partner na si Brenda Song ang kanilang panganay noong Abril 5, sabi ng kanilang representative sa E! News.

Ang baby ay pinangalanang Dakota Song Culkin, bilang pagkilala sa ate ni Macaulay na nasawi matapos mabangga ng kotse noong 2008.

“We are overjoyed,” ayon pa sa showbiz couple.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?