65

Jul 16, 2018 @ 16:47
By

Hollywood: Taylor Swift binalikan ang buhay sa farm

Nag-throwback ang popstar na si Taylor Swift nang bumalik siya sa kanyang hometown in Reading, Pennsylvania. Binalikan ni Taylor ang mga lugar na pinaglalaruan niya noong bata pa siya.

Isang photo na pinost ng singer sa IG account niya ay nasa same location siya kunsaan madalas siyang maglaro. Nilagyan niya ito ng caption na ‘Take me home’.

Hindi ikinakahiya ni Taylor na lumaki siya sa farm kasama ang kanyang kapatid na si Austin Swift sa Pennsylvania. Nataon pa na kasama sa kanyang Reputation Stadium Tour ang kanyang hometown kaya bumalik sa singer ang maraming childhood memories.

Kasalukuyang nasa New York City ulit si Taylor at nagpapahinga para sa next leg ng kanyang tour. Pinost niya sa IG ang pagsasama nila ng kanyang mga girl friends na sina Gigi Hadid, Martha Hunt at Este Haim sa kanyang NYC apartment.

Bilang suporta ng supermodel na si Gigi kay Taylor, sinuot nito ang tour merchandise ni Taylor na sweatshirt with snake design.

Sa gitna ng kanyang hectic sked, nagawa pa ni Taylor na makasama ang kanyang boyfriend na si Joe Alwyn noong 4th of July sa isang exclusive resort sa Turks & Caicos. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?