71

By

Hollywood stars nagbunyi sa paglipat ni James sa Lakers

Sharing is caring!

Sa paglipat ni NBA star LeBron James sa Los Angeles Lakers, malugod siyang tinanggap ng koponan at ng basketball fans.

Maging ang Hollywood celebrities ay hindi nagpahuli sa pag-welcome kay King James sa Lakers.

Ibinahagi ni Arnold Schwarzenegger ang kanyang excitement sa pagsampa ni LeBron sa Lakers.

“LeBron welcome to the Los Angeles! This is so exciting to becoming to the city of stars. If you’d be doubt you’ll be doubt good, you’ll be the biggest star of all on the court and off the court. Love it,” video post ni Arnold.

“Welcome home @KingJames,” tweet post naman ng sikat na American rapper, singer at singwriter na si Snoop Dogg.

Binati rin ni Hollywood actor, producer at Guardians of the Galaxy star Michael Rosenbaum si LeBron.

“Welcome to freaking LA @KingJames.”

Naging masaya naman ang kapwa Lakers na si Kyle Kuzma sa naging desisyon ni LeBron.

“LAKESHOWWWW. @KingJames. let’s go my brotha, let’s rock,” ani Kuzma.

Hindi rin nagpahuli ang Pinoy instant celebrity MPBL star na si Ray Parks Jr., sa pag-welcome sa kanyang idol.

“For the first time in my life im a Lakers fan @KingJames.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?