143

By

Hollywood star sanib-pwersa sa ‘Ang Probinsyano’

Kinumpirma ni ‘Ang Probinsyano’ star Coco Martin na may tatlong Hollywood actor na nililigawan ang Kapamilya serye para mag-guest sa naturang palabas.

Sa panayam kay Coco sa Sine Sanddan, sinabi nito na tuloy-tuloy pa rin ang arangkada ng ‘Ang Probinsyano’ na mag-aapat na taon nang namamayagpag.

“Ginagawa namin ‘to talaga para ma-inspire ang mga Pilipino, lalo na ang mga manunuod gabi-gabi, para masasaya sila. Sana humaba pa,” aniya sa panayam ng press sa Sine Sandaan.

Napaamin na rin si Coco sa balitang may ilang Hollywood star nang nakalinya para sa serye.

“Bakit ang bilis niyo? Actually, mahirap magsalita agad-agad kasi mahaba pa ang tatakbuhin. Kasi halos lahat ata nagawa na po namin,” sey ng aktor.

“Meron na kaming mga nakakausap. Actually meron nang umoo, pero under negotiation pa po.”

Nasa tatlong Hollywood personality ang inaasahang lumabas sa sikat na Pinoy serye, na base sa impormasyong nakalap ng Abante ay posibleng sina Antonio Banderas o Jan Claude Van Damme.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?