33

Jul 16, 2018 @ 16:43
By

Hollywood: Kate Upton buntis na

Buntis na sa kanyang first baby ang supermodel na si Kate Upton. Kinasal sa Italy noong November 2017 ang 26-year-old model sa baseball star na si Justin Verlander at ngayon ay ini-expect na nila ang kanilang first child as revealed sa Instagram post ni Kate noong nakaraang July 14.

Kita sa uploaded photo ang slight baby bump ni Kate habang nakatayo ito sa balcony ng room nila ni Justin sa W South Beach hotel in Miami.

She captioned the image: “#PregnantinMiami @justinverlander [sunshine and loveheart emojis] (sic).”

Nasa Miami ang mag-asawa dahil sa Sports Illustrated Swimsuit’s Swim Week.

Nagkakilala sina Kate and Justin noong 2014 at mabilis silang na-in love sa isa’t isa.

“You’re going to be the most amazing Mom! I can’t wait to start this new journey with you! You’re the most thoughtful, loving, caring, and strong woman I’ve ever met! I’m so proud that our little one is going to be raised in this world by a woman like you! I love you so much,” comment pa ni Justin sa IG post ng kanyang misis. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?