By

Hollywood: James Franco kinasuhan ng breach of contract

Sharing is caring!

Bukod sa kanyang sexual misconduct na issue, nahaharap ngayon ang Hollywood actor na si James Franco sa isang breach of contract issue. Isang former student ni James na si Ryan Moody ang nag-file ng lawsuit dahil sa hindi pagbigay sa kanya ng credit sa pagsulat ng pelikula nitong The Disaster Artist.

Naging student ni James si Moody sa UCLA in Los Angeles, California.

Nagtatrabahong unofficial teaching assistant ni James si Moody sa kanyang UCLA English class nang imbitahan niya itong magsulat ng screen adaptation ng librong may titulong The Disaster Artist: My Life Inside the Room.

Bukod sa babayaran siya, nangako si James na bibigyan niya ng credit si Moody as associate producer at kasama din siya sa credits ng screenplay.

Pero pagkatapos na mabayaran si Moody ng $5,000 lang, hindi natupad ang promise ni James na isasama siya sa credit ng screenplay.

Noong ma-nominate as best adapted screenplay ang The Disaster Artists, pangalan ni James at Scott Neustadter and Michael H. Weber ang nakalagay.

Kaya kamakailan ay nag-file si Moody ng breach of contract case laban kay James kasama na ang production partners nito na RabbitBandini and Point Grey.

Ayon sa isinampang kaso ni Mooody, James Franco has ‘no intention of giving him a credit, but made the offer to secure the rights to his screenplay for ‘far less than fair market value.’

Magkaibigan sina James at Moody since 2012 at si Moody ang nag-pitch ng The Disaster Artist sa mga producers nito noong 2013 pa.

Kasama sa lawsuit ni Moody ang mga emails ni James sa kanya at dini-discuss nila ang The Disaster Artist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?