BRITNEY SPEARS
By

Hollywood: Britney Spears ‘goodbye’ Las Vegas na

Sharing is caring!

PAGKATAPOS ng apat na taon, nagpaalam na ang pop superstar na si Britney Spears sa kanyang naging resident sa Las Vegas na The AXIS at Planet Hollywood.

Nag-final show na si Britney at nagpasalamat siya sa apat na taong pag-perform niya sa milyon-milyon na taong nanood ng kanyang sold shows.

Hindi nga raw nagpakita ng lungkot si Britney sa kanyang final show dahil todo bigay pa rin ito habang inaawit at sinasayaw ang mga hits niya na Baby One More Time, Toxic,

Oopps I Did It Again, Work Bitch, Lucky, Piece of Me at iba pa. With matching costume change pa ito.

Nasa audience nga ang kanyang boyfriend na si Sam Asghari na full support sa final show niya.

“4 years of legacy, 4 years of greatness, a change in entertainment for the better! Extremely proud of my baby for kicking ass again tonight, but this time to end #pieceofme In

Vegas after 4 years of residency. What a night. Happy New Year. #GOAT#britneyspears,” post pa ni Sam sa Instagram.

Nasa audience din ang sister ni Britney na si Jamie Lynn Spears na nag-post ng footage ng show sa kanyang IG: “Beyond Proud of my sister #Icon.”

Noong nakaraang New Year’s Eve, isa si Britney sa nag-perform sa Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve with Ryan Seacrest.

Kung ano ang gagawin ni Britney after ng kanyang farewell show sa Las Vegas, baka raw isang concert tour ang gawin nito ayon sa kanyang manager na si Larry Rudolph.

“Anything is possible. We have made zero decisions. We expect a lot of interest from all parties.

“Britney basically sells out every show, and she loves Las Vegas, she loves performing in Vegas, and Vegas is a possibility going forward.

“She might tour, she might work on a new album. It’s too early to talk specifics about anything.” (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?