148

Aug 2, 2018 @ 12:42
By

Hollywood actor Stephen Baldwin bilib sa drug war ni Duterte

Dumarami ang mga dayuhang aktor na interesado sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakipagkita kagabi kay Pangulong Duterte ang Hollywood actor at film producer na si Stephen Baldwin, na kapatid ni Alec Baldwin, sa isang courtesy call sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Ang courtesy call ay ginawa ng Hollywood actor-film producer matapos ang isang aktibidad ni Pangulong Duterte sa BGC.

Ipinahayag ni Baldwin sa Presidente ang paghanga nito sa kanyang kampanya kontra iligal na droga na nagpatanyag sa kanya sa buong mundo.

Nakatakdang gumawa ng pelikula na sesentro sa illegal drugs si Baldwin at kasama rin siya sa mga bida na may titulong “Kaibigan”.

Kasama sa gagawing pelikula si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson, ang Perkins Twins at ang beteranang aktres na si Jean Garcia.

Matatandaang unang gumawa ng TV series na may kinalaman sa droga ang Hollywood actor-film director na si Steven Seagal kung saan ilang buwan din itong nag-shooting sa Ilocos Region. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?