39

Sep 7, 2021 @ 16:22

Hollywood actor natagpuang patay sa apartment

Gulantang ang Hollywood matapos makitang patay ang Emmy-nominated star ng “The Wire” at “Boardwalk Empire” sa kanyang Brooklyn, New York City apartment noong Lunes.

Iniimbestigahan na ng New York Police Department ang pagkamatay ni actor Michael K. Williams, 54, na posibleng drug overdose, ayon sa NY Post report.

May nakita kasing tila heroin sa kanyang kitchen table.

Wala rin umanong indikasyon ng foul play sa pagkamatay ng aktor o forced entry sa kanyang apartment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?