5

Nov 10, 2020 @ 15:30
By

Holiday season sa Maynila tuloy kahit may COVID

Tiniyak ni Manila City Mayor Francisco Domagoso sa kanyang mga nasasakupan na tuloy pa rin ang mga holiday event sa lungsod sa mga susunod na linggo, kahit nariyan pa ang banta ng coronavirus pandemic.

“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season. We will not be stopped by the pandemic. Ang gusto ko makita nila is welcome po sila sa Maynila. What is the purpose of government? Government is service, public service,” banggit ng alkalde sa isang news release ngayong araw.

“Let’s give businesses an opportunity to open. Maliban sa pagtutok sa tamang pagtugon sa pandemya, nakatutok na ang inyong Pamahalaang Lungsod sa paglikha, o pagtulong upang makalikha, ng trabaho, trabaho, trabaho,” aniya pa.

Sa isang pulong kasama ang mga city government official, inanunsiyo ni Domagoso na gaganapin ang tradisyunal nathat ‘Simbang Gabi’ sa Kartilya ng Katipunan, sa tulong ng Quiapo Church.

Samantala, mag-o-organisa ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) at Sagada Coffee ng ‘Kape’t Luntian’ coffee festival sa Bonifacio Shrine Garden, habang pangungunahan naman ng Bureau of Permits ang isang month-long bazaar na “Paskuhan sa Maynila.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?