74

Oct 23, 2017 @ 17:22

Holiday sa Cebu sa October 26

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang October 26 bilang holiday sa Cebu para makaroon ng pagkakataon ang mga taga-Cebu na maihatid sa huling hantungan si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Personal na bumisita ang Pangulo sa burol ni Cardinal Vidal noong linggo ng hatinggabi matapos ang pagbisita sa Bacolod City .

Sa kanyang mensahe sa burol ng Cardinal, sinabi ng Pangulo na magpapalabas siya ng Executive Order para ideklarang holiday ang mismong araw ng libing ng Cardinal.

“I’ll sign the Executive Order declaring a holiday here in Cebu on the day of the burial of His Eminence,” ang pahayag ng Pangulo.

Nagpaliwanag din ang Pangulo kung bakit hindi siya agad nakapunta sa burol ng Cardinal dahil masyado aniya siyang abala lalo na sa Marawi at mabuti na lamang aniya at natapos na ang gulo.

Inalala ng Presidente si Cardinal Vidal bilang isang taong punong puno ng kapayapaan at pagmamahal at hindi marunong magalit. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?