28

Dec 20, 2017 @ 18:34
By

Holiday ceasefire vs CPP-NPA, para sa benepisyo ng mga Pilipino – Duterte

Ang kaligtasan ng mamamayang pilipino ang pangunahing isinaalang-alang ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nito ipinag-utos ang suspension ng combat operations ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa Pangulo, dapat maayos na makapagdiwang ang mga Pilipino ng walang iniintinding kaba at stress.

Kung ayaw aniyang suklian ng New Peoples Army ang aksiyon ng gobyerno ay wala siyang magagawa.

“If ever I will declare a ceasefire it will be for the benefit of the people. So that they will spend Christmas less strain less pressure and they do not expect something like it purposely battle na maghahanap ng away. If the communists will opt to do this, wala, kung ayaw nila di wag, I’m doing it just for the Filipino,” ang pahayag ng Pangulo.

Samantala nilinaw naman ni Presidential Secretary Harry Roque na ang idineklara ay hindi Suspension of Military Operations o SOMO kundi Suspension of Combat Operations.

“Unilateral po ito. Ang sabi po ng militar, ang dineklara po ay suspension of combat operations, dahil may pagkakaiba pa pala.po yan sa suspension of..iyong SOMO no. So combat operations po ang suspended,” ang paglilinaw ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?