6

By

Holiday ceasefire ng CPP, baka patibong lang – AFP

Sharing is caring!

Naghihinala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na huhudasin lang sila ng New People’s Army (NPA).

Ito ang katuwiran ni AFP spokesman, Brig. Gen. Edgard Arevalo kaya’t aniya hindi nila ikinukunsidera na suklian ang pagdeklara ng unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay Arevalo, sa mga nakalipas na deklarasyon nila ng tigil-putukan tuwing Kapaskuhan ay hindi naman iginagalang ng mga rebelde.

Dagdag pa nito, kapag tinapatan nila ang deklarasyon ng CPP ay maaaring samantalahin ng mga rebelde ang sitwasyon para magpalakas ng puwersa.

Lalo na’t ipagdiriwang ng CPP ang kanilang ika-50 anibersaryo sa Disyembre 26.

Sa pagdedeklara ng ceasefire ng CPP sa araw ng Pasko at Bagong Taon, ipinagbabawal sa NPA na maglunsad ng opensiba laban sa mga puwersa ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?