180

Aug 23, 2019 @ 13:43
By

Holen bumaon sa ulo: Paslit napatay ng pinsan

Todas ang isang 5-year old na lalaki matapos itong aksidenteng mabaril ng kanyang pinsan gamit ang ‘holen gun’.

Saad ni Police Lieutenant Colonel Ebrahim Jambiran, nangyari ang aksidente, Huwebes ng hapon sa Barangay Gumagadong-Calawag sa Maguindanao.

Hindi umano napansin ng pinsan na nakalabit na nito ang gatilyo ng improvised pipe gun na may balang holen at dito tinamaan sa ulo ang paslit.

Sinubukan pang isalba ang biktima ngunit dineklarang dead-on-arrival sa isang ospital sa Cotabato.

Nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare Office ang suspek para masuri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?