77

Oct 25, 2019 @ 19:24
By

Holdaper viral sa pagnanakaw ng puso ng mga netizen

Tila hindi lahat ng kriminal ay walang puso.

Ito’y matapos maging headline hindi dahil sa ginawang panghoholdap ng suspek kundi ang pagtanggi niyang kunin ang pera ng isang matandang babae.

Batay sa Daily Mail report, sinabi ng may-ari ng niloobang tindahan sa Piaui, Brazil na si Samuel Almeida, dalawang armadong lalaki ang nangholdap sa kanyang tindahan noong Oktubre 15.

Kinuha ng mga suspek ang lahat ng pera sa register ng cashier.

Sa tagpong ito, nagkusang ibigay ng isang customer na lola ang kanyang pera.

Pero tumanggi ang suspek at sinabi sa lola na, “No, ma’am, you can be quiet. I don’t want your money.”

Sa CCTV footage na binahagi ng Infosaj at nag-viral sa YouTube, makikita ang isa sa holdaper na tumapik-tapik sa balikat ng lola para pakalmahin ito at kalaunan ay hinalikan niya sa noo ang matanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?