50

Feb 9, 2021 @ 19:46
By

Holdaper tigok sa biktima

Patay ang isang holdaper matapos makipagbarilan sa kanya ang biniktima sa Bag-ong Dan, Barangay Yati, Lilo-an, Cebu nitong Martes.

Ayon sa ulat, unang hinoldap ng suspek na si Roel Narvasa ang isang sari-sari store sa Barangay Tayud, Consolacion kung saan natangay niya ang kita nitong P2,000 at kahon-kahong sigarilyo.

Kinagabihan, iiskor muli ang suspek kasama ang isang lookout sa convenience store sa bayan ng Liloan.

Nagdeklara si Narvasa ng holdap saka kinuha ang kita ng tindahan na mahigit P24,000.

Bago lumabas ay tinutukan ni Narvasa ang biktima at akmang babarilin pero nakailag at gumanti ng putok sa kanya.

Naghihintay naman noon sa getaway motorcycle ang kasabwat ni Narvasa pero lumayas ito nang maganap ang shootout bandang alas-9:30 ng gabi.

Dinala sa Eversley Child Sanitarium Hospital ang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Lusot naman sa kaso ang hindi na pinangalanang biktima dahil self-defense ang nagawa nito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?