191
gun-
Oct 31, 2017 @ 11:53

Holdaper-rapist, umatake sa Marikina

Pinag-iingat ang lahat sa gumagalang holdaper na ay rapist pa na nambibiktima ng mga babaeng mag-isang naglalakad matapos magsampa ng reklamo ang isang ginang makaraang maholdap at magahasa kamakalawa ng madaling-araw sa Marikina City.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Miriam” , 49-anyos, bus washer at residente ng Barangay Concepcion Dos, Marikina City, sa sobrang takot dahil sa pagtutok sa kanya ng baril ng isang lasing na rider, wala na siyang nagawa nang agawin ang kanyang bag at pilit siyang pinaghubad at doon na isinagawa ang makamundong pagnanasa ng hindi pa nakikilalang suspek.

Batay sa report, naglalakad mag-isa ang biktima bandang alas-singko ng madaling-araw sa kahabaan ng Panganiban St., Concepcion Dos para pumasok sa trabaho nang humarang sa kanyang daanan ang isang lasing na lalaking lulan ng motorsiklo at tinutukan siya ng baril.

Matapos isagawa ng suspek ang panghahalay ay mabilis na itong tumakas habang agad na tumakbo ang biktima at humingi ng tulong.

Target ngayon ng Marikina Police ang paghahanap sa suspek habang sisiyasatin din kung may nakakabit na CCTV sa nasabing lugar. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?