103
soco21
By

Holdaper patay, 3 nakatakas sa engkuwentro sa Cavite

Sharing is caring!

Patay ang isang holdaper habang nakatakas ang tatlo pa makaraang makasagupa ang mga tauhan ng Alfonso Municipal Police Station kaninang madaling araw sa Olive Tree Villa Alfonso Cavite.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar alas-10:00 ng gabi kagabi nang makatanggap ng ulat ang Alfonso Municipal Police Station sa nangyayaring robbery hold up sa secret garden resort sa Olive Tree Villa Brgy, Amoyong, Alfonso, Cavite.

Rumesponde naman agad ang mga pulis sa lugar na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng mga holdaper.

Namatay agad ang isang holdaper habang nakatakas ang tatlo na ngayon target sa operasyon ng mga pulis sa lugar.

Batay sa inisiyal na imbestigasyon ng pulisya pinasok ng mga holdaper ang Secret Garden Resort.

Natangay ng mga nakatakas na holdaper ang cash money na nagkakahalaga ng P15,000 cash, relo, handbag, iba’t ibang gadgets, caliber .38 na baril at mga bala.

Tuloy ang pagtugis ng PNO sa mga nakatakas na holdaper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?