Holdaper ng meat shop sa Maynila, nanlaban sa MPD, patay

Sharing is caring!

Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos na maka-engkuwentro ang mga pulis sa Sampaloc, Maynila Biyernes ng gabi.

May nagsumbong na ninakawan ng suspek ang isang meat shop sa kahabaan ng Concepcion St. kaya nirespondehan ito ng mga pulis na kumakain malapit sa mga lugar

Hinabol ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ang suspek hanggang sa Dapitan St. kung saan ito bumunot ng baril at nagpaputok sa mga pulis.

Nakorner ang suspek sa Alfredo St. kung saan ito ginatihan ng putok at napatay ng mga pulis.

Sa kuwento ng cashier ng meat shop, magsasara na sila nang pumasok ang suspek at magdeklara ng holdup..

Natangay nito ang kita ng tindahan na nagkakahalaga ng P4,000.

Narekober ng MPD mula sa suspek ang isang .38 kalibreng baril at ang bag kung saan nakalagay ang natangay nitong pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?